 | This is my Playground, This is not my Playground. | Jul 8, 2006 |
Isang araw, 'pag tumila na ang ulan, 'pag humupa na ang bagyo at tumahimik na ang kulog... Magkikita-kita tayong muli, pagtatawanan natin ang paghuni ng ibon at ang pagaspas ng dahon, aamuyin natin ang singaw ng lupa at ang basang damo sa kaparangan...aawitin natin ang mga awit ng ating kabataan, iiyakan ang mga masasayang ala-ala at pagtatawanan ang hapdi ng nakaraan. Kay ganda ng mundo na magsisilbing bakuran ng ating kalayaan, maraming bulaklak, sariwa ang hangin at nakangiti ang langit. Dahan-dahang gagaling ang sugat na iniwan ng panahon, at muli tayong aawit kasabay ng mga bata. ~tomas leonor  |